Monday, February 9, 2026

NAPOLCOM, iimbestigahan na ang umano’y hazing sa 120 na patrolman sa Regional Mobile Force Battalion sa Lamitan Basilan

Iimbestigahan na ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang umano’y pagpapahirap sa ilang recruits sa headquarters ng Regional Mobile Force Battalion 14-B, Police Regional Office BAR, sa Lamitan City, Basilan.

Ipinag-utos na ni NAPOLCOM Vice-Chairperson Ralph Calinisan kay NAPOLCOM
Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Regional Director Fahd Candao na magsagawa ng isang motu propio investigation upang alamin kung may nangyaring hazing at maltreatment sa 120 na patrolman na umanoy binugbog.

Ayon kay Calinisan, hindi nila kukunsintihin ang anumang uri ng hazing sa PNP organization.

Pinabibilisan na ni Calinisin ang imbestigasyon at tiniyak na ,wala silang sasantuhin sa gagawing imbestigasyon.

Una nang inalis sa pwesto ng PNP ang nasa 70 police officer ng Regional Mobile Force Battalion 14-B na sangkot sa sinasabing hazing.

Facebook Comments