NAPOLCOM, naglabas na rin ng statement sa pagkakatalaga kay General Nartatez bilang PNP Chief

Buo ang suporta ng National Police Commission o NAPOLCOM sa bagong talagang Philippine National Police (PNP) Chief na si Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.

Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairperson at Executive Officer Atty. Rafael Vicente Calinisan, tama lang ang desisyon ni Nartatez na ipatupad ang resolusyong bumabaligtad sa malawakang reshuffle ng mga opisyal na direktiba noon ni dating PNP Chief Gen. Nicolas Torre III.

Aniya, ang hakbang na ito ni Nartatez ay nagpapakita lamang ng respeto nito sa institusyon at sa sistema ng checks and balances na nakabase sa konstitusyon.

Welcome din sa NAPOLCOM ang pagsibak ni Nartatez sa puwesto kay Police Brig. Gen. Jean Fajardo bilang tagapagsalita ng PNP na nakatalaga sa Directorate for Comptrollership.

Dahil dito, hindi raw si Fajardo ang tamang opisyal na magsisilbi bilang spokesperson ng pambansang pulisya.

Facebook Comments