Friday, April 10, 2026

NAPOLCOM, paiimbestigahan ang hazing incident sa PNPA

Magtatag ng isang task force ang National Police Commission o NAPOLCOM para sa patas at mabilis na imbesitigasyon sa hazing incident sa loob ng Philippine National Police Academy (PNPA).

Iimbestigahan dito kung ano ang totoong nagyari sa insidente, sino ang dapat managot sa batas, at sino ang may hawak sa pagpapatupad ng disiplina para matukoy kung may pagkukulang ba ito sa kanyang tungkulin.

Ayon kay NAPOLCOM Commissioner ATTY. Rafael Calinisan, hindi maja-justify ng anumang dahilan ang naturang insidente lalo’t nangyari ito sa loob ng institusyong dapat humuhubog sa mga susunod na lider ng law enforcement.

Sa pahayag na inilabas ng NAPOLCOM ngayong Byernes, April 10 hindi nila palalampasin ang naturang insidente at mananagot sa batas ang sinumang indibidwal oras na mapatunayang may direkta at hindi direktang partisipasyon ito.

Facebook Comments