NAPOLCOM, pinalawig pa hanggang March 26, 2021 ang umiiral na lockdown dahil sa COVID-19

Pinalawig pa hanggang Biyernes, March 26, 2021, ang lockdown sa National Police Commission (NAPOLCOM) headquarters sa Quezon City.

Magbubukas sana ngayong araw ang punong tanggapan pero dahil sa mga bagong kaso ng COVID-19 kaya ini-extend ang lockdown.

Layon nito na makapagsagawa ng pinalawak na contact tracing at maiwasan ang hawaan.


Ipinaiiral pa rin ang work from home arrangement sa NAPOLCOM.

Para sa mga may kinakailangang isumiteng mga dokumento, maaari naman itong iwanan sa personnel desk sa ground floor ng NAPOLCOM building.

Facebook Comments