NAPOLCOM RO I, NAGHATID NG MENTAL HEALTH OUTREACH PARA SA MGA BATANG BABAE SA AGOO

Nagsagawa ang NAPOLCOM Regional Office I ng Mental Health Activity at Gift Giving Program sa Home for the Girls sa Agoo, La Union noong Martes, Disyembre 9, bilang pakikiisa sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women and Children (VAWC).

Ayon sa pahayag, naging sentro ng programa ang mga kabataang nakatira sa naturang pasilidad kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng mental health bilang bahagi ng kanilang kaalaman sa anumang karanasan ng pang-aabuso.

Bukod dito, nagkaroon din ng facilit­ated mental health session na tumutok sa resilience, self-awareness, at emotional safety upang makatulong sa kanilang patuloy na pag-unlad.

Sinundan ito ng simpleng pamamahagi ng mga regalo, na naging simbolo ng malasakit at patuloy na suporta ng ahensya sa mga batang nasa pangangalaga ng institusyon.

Nagtapos naman ang aktibidad sa turn-over ng karagdagang donasyon bilang pagpapakita ng suporta ng NAPOLCOM sa adbokasiyang wakasan ang lahat ng uri ng karahasan laban sa kababaihan at kabataan.

Facebook Comments