NAPOLCOM, suportado ang planong gawing 8 oras na ang duty ng mga pulis sa isang araw

Sang-ayon ang National Police Commission (NAPOLCOM) sa plano ni Philippine National Police (PNP) chief Major General Nicolas Torre III na gawin na lamang walong oras ang haba ng duty ng isang pulis sa loob ng isang araw.

Ayon kay Napolcom Commissioner Rafael Vicente R. Calinisan, mas magiging epektibo ang mga pulis kapag hindi sagaran ang pagtatrabaho nila.

Suportado rin ni Calinisan ang “3-minute response” na direktiba ni Gen. Torre sa lahat ng mga pulis na nakatalaga sa lahat ng siyudad o urban area sa bansa.

Tiniyak din ni Calinisan na katuwang ng PNP ang NAPOLCOM para sa makabuluhang reporma sa hanay ng PNP sa kapakanan ng mamamayan at maayos na serbisyo ng kapulisan.

Facebook Comments