
Ibinunyag ni National Police Commission (NAPOLCOM) Vice Chairperson Rafael Calinisan na dalawang beses umano silang tinangkang aregluhin patungkol sa kaso ng mga missing sabungeros.
Sa interview sa Camp Crame, sinabi nito na ang unang pagtatangka ay nangyari noong Hulyo 12 kung saan tumawag umano si Charlie “Atong” Ang sa malapit na tao sa kanya para humingi ng tulong para maisalba ang mga pulis na akusado.
Bukod dito ay may sumubok na lumapit pa umano sa kanya na isang grupo na pinamumunuan ng isang local chief executive kung saan ang nilapitan muli ay ang nasabing malapit na tao kay Calinisan patungkol pa rin ito sa kaso ng mga nawawalang missing sabungeros.
Dagdag ni Calinisan, tumagal pa ng isang taon bago niya ito ibinunyag sa publiko dahil nagpapatuloy pa noon ang case build up sa nasabing kaso.
Tiniyak naman nito na walang nangyaring alukan ng pera at kampante ito na mahahagip ito ng live pa ring imbestigasyon sa kaso.










