
Tiniyak ng National Police Commission (NAPOLCOM) na tututukan nila ang kaso ng isang babaeng pulis na ginahasa ng kabarong dalawang pulis sa loob mismo ng nakaparadang PNP mobile car sa Marikina.
Ayon kay NAPOLCOM chief Commissioner Ralph Calinisan, ang Inspection, Monitoring and Investigation Service (IMIS) ang magsagawa ng imbestigasyon sa sumbong ng biktimang 27-anyos na policewoman.
Una rito, pormal nang inireklamo sa NAPOLCOM ng biktima ang dalawang pulis na nang-rape sa kanya sa loob ng PNP mobil sa madilim na bahagi ng jogging lane sa Brgy. Sto. Niñio, Marikina City.
Base sa inisyal na impormasyon na natanggap ng NAPOLCOM, nakilala ang mga suspek na sina Police Staff Sergeant Josel Balabad, 33-anyos, may asawa at Patrolman Christopher Merez, 26-anyos, binata at nakatalaga sa Marikina City Police Station.









