NAPOLES CASE | Secretary Aguirre, itinangging binigyan ng legal advice si Atty. David

Manila, Philippines – Nilinaw ni Justice Secretary Vitallano Aguirre na
hindi payo kundi legal opinion lamang ang kanyang ibinigay kay Atty.
Stephen David na abogado ni Janel Lim Napoles.

Matatandaan kasi na sinabi ni David na nakipagpulong na siya sa Malacanang
kina Executive Secretary Salvador Medialdea at Secretary Aguirre sa
Malacanang kung saan sinabi aniya ng mga ito na magfile nalang ng motion sa
Sandiganbayan para ilipat ang custody ni Napoles mula sa BJMP patungo sa
Department of Justice sa ilalim ng Witness Protection Program.

Sa Briefing sa Malacanang ay sinabi ni Aguirre ay sinabi nito na isang
hindi nila nakapulong si David dahil sumulpot lamang ito sa Malacanang at
lumapit sa kanila ni Medialdea.


Paliwanag ni Aguirre, gusto ni David na baligtarin ni Medialdea ang kanyang
unang pahayag kaugnay sa kaso ni Napoles pero ang sinabi aniya niya ay
isampa nalang ito sa Sandiganbayan.

Paliwanag ni Aguirre, isang lawyers academic discussion lamang ang nangyari
at hindi nila binigyang ng legal advice si David.

Facebook Comments