Manila, Philippines – Hindi muna maghahatak ng mga sasakyan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon kay Celine Pialago, tagapagsalita ng MMDA at bagong task force special operations head, napuno na kasi ang kanilang impounding area dahil sa kanilang mas pinaigting na anti-colorum operations.
Gayunman, tuloy pa rin aniya ang clearing operations ng MMDA lalo na sa mga kalsadang inaasahang mapupuno ng mga sasakyan ngayon holiday.
Giit ni Pialago, ipinag-utos na niya sa mga enforcer na mag-isyu ng hindi bababa sa 50 illegal parking ticket sa loob ng isang oras.
Pagtitiyak ni Pialago, sa susunod na taon ay magkakaroon na sila ng impounding area sa Parañaque at Quezon City.
Facebook Comments