Manila, Philippines – 220 kaso ng firecracker-related injuries ang naitala ng Philippine National Police sa buong bansa.
Ayon kay NCRPO Director C/Supt. Oscar Albayalde – Piccolo at Watusi pa rin ang nangungunang sanhi ng mga injury.
Muli namang tiniyak ni Albayalde na masisibak sa serbisyo ang sinumang pulis na mapapatunayang sangkot sa indiscriminate firing.
Katunayan, apat na pulis na sangkot sa pagpapaputok ng baril noong Pasko at Bagong Taon ang nakasuhan na ng illegal discharge of firearms at kasalukuyang nasa restrictive custody.
Sa halip na apat na buwan, ipinag-utos umano ni PNP Chief Dela Rosa na tapusin ang administrative proceeding sa loob ng dalawang buwan para tuluyan nang ma-dismiss sa serbisyo ang mga pulis.
Kasabay nito, nilinaw ng NCRPO na walang koneksyon sa pagsalubong ng Bagong Taon ang kaso ng stray bullet na tumama sa isang 10-taong gulang na bata sa Caloocan City.