NAPUTUKAN | Biktima ng paputok sa Eastern Visayas, bumaba ng 70%

Visayas – Kinumpirma ng Department of Health Regional Office 8 na bumaba 70% ang mga nabiktima ng paputok sa buong eastern Visayas kumpara noong nakaraang taon.

Ayon sa DOH region-8, 35 ang naitalang nabiktima ng paputok sa rehiyon kumpara sa 99 na bilang ng mga naputukan sa pagsalubong ng taong 2017.

Karamihan sa mga nabiktima ay mula sa Eastern Samar at Northern Samar kung saan wala naman naitalang biktima ng indiscriminate firing.


Napag-alaman na dalawang taong gulang na bata ang tinapunan ng paputok sa bayan ng Dolores, Eastern Samar habang 73-anyos naman ang pinakamatanda na naputukan ng Piccolo sa Northern Samar.

Facebook Comments