NAPUTUKAN | Bilang ng biktimang isinunod sa PGH, apat lang

Manila, Philippines – Mas mababa ang bilang ng mga biktima ng paputok na isinugod sa Philippine General Hospital (PGH) dahil simula abente uno ng Disyembre hanggang kaninang umaga ay apat na katao lang ang naisugod sa kanilang pagamutan isa dito ay kaninang madaling araw.

Ang mga nasabing biktima ay naputukan ng mga ipinagbabawal na paputok gaya ng Piccolo at Kabasi.

Lumalabas sa mga inisyal na impormasyon mula sa mga pangunahing ospital dito sa lungsod ng Maynila na malaki ang naging epekto ng kampanya ng pamahalaan para ipaalam sa publiko ang pag lilimita ng Pangulong Duterte sa paggamit ng paputok.


Facebook Comments