NAPUTUKAN | Kaso ng firecracker related injuries, mababa pa rin kumpara noong nakaraang taon

Manila, Philippines – Mababa pa rin ang kaso ng firecracker related injuries bago ang salubong ng bagong taon.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, III – mula alas-6:00 ng umaga ng December 21 hanggang alas-6:00 ng umaga ng December 30 ay umabot lamang sa 77 kaso.

Mas mababa ng 60% kumpara sa five-year ‘average’ na bilang ng mga nasusugatan.


41% o 54 cases na mas mababa kumpara sa kapareha na panahon noong nakaraang taon.

Karamihan sa mga kaso ay naitala pa rin sa National Capital Region (NCR) at palaging nabibiktima ay mga lalaki na may edad 11 months hanggang 62 years old.

Piccolo at boga ang pangunahing dahilan ng pagkakasugat ng mga biktima.

Facebook Comments