Manila, Philippines – Umakyat na sa 61 ang firecracker related injuries.
Batay sa Aksyon: Paputok Injury Reduction 2017 report, naitala ang nabanggit na bilang mula alas-6:00 ng umaga ng December 21 hanggang alas-6:00 ng umaga ng December 28.
Pero ayon sa Department of Health (DOH), mas mababa pa rin ng 44% o 47 kaso kumpara sa naitalang bilang sa kaparehas na panahon noong nakaraang taon.
Una nang sinabi ni Health Usec. Gerardo Bayugo – 50% ang inaasahang ibabagsak na bilang ng mga maitatalang masusugatan ng paputok ngayong taon dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng batas ukol sa pagkontrol ng pagbebenta at paggamit ng mga paputok.
52% o 32 kaso rito ay naitala sa National Capital Region (NCR) at karamihan sa sanhi nito ay ang paggamit ng ipinagbabawal na Piccolo.