Manila, Philippines – Putol ang dalawang daliri ng isang lalaki matapos nitong pulutin ang whistle bomb na hindi pumutok.
Kinilala ang biktima na si John Bryan Recto na isinugod sa Pasay City General Hospital.
Ayon sa mga doktor na gumamot sa biktima, lango sa alak ang si John Bryan at hindi nito namalayan na ang kanyang pinulot na paputok ang magiging dahilan ng pagkaputol ng kanyang mga daliri.
Kinailangan na umanong putulin ng doktor ang dalawang daliri ni John Bryan dahil sa matinding sugat na natamo nito.
Facebook Comments