NAPUTUKAN | Naitatalang firecracker related injuries, pumalo na sa 86

Manila, Philippines – Pumalo na sa 86 na firecracker injuries ang naitala sa pagsalubong ng taong 2018.

Ayon sa Department of Health (DOH), 47% na mababa kumpara noong 2016.

Sa nabanggit na bilang, 25 na kaso ay naitala sa Metro Manila, 11 sa Western Visayas, siyam sa Bicol region habang anim sa Central Visayas.


Wala pang naitatalang namatay, nakalunok ng paputok o insidente ng ligaw na bala.

Karamihan pa rin sa mga biktima ay lalaki na may edad 62-anyos pababa.

Paggamit ng Piccolo pa rin ang isa sa pangunahing dahilan ng pagkakasugat, na sinundan ng boga, 5-star, bazooka at triangle.

Facebook Comments