Naranasang pagbigat ng daloy ng trapiko nitong Disyembre 5, dulot ng Friday rush —MMDA

Nakaranas ng pagbigat ng daloy ng trapiko sa parehong lane ng EDSA dahil sa kasagsagan ng Friday rush nitong December 5, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Kung saan dinagdagan pa ito ng mga serye ng banggaan at tumirik na mga sasakyan.

Nakapagtala ang ahensya ng 23 road crash incidents at walong stalled vehicles mula alas-dos ng hapon hanggang alas-nuwebe nitong Biyernes.

Ayon sa MMDA, mga nangyaring insidente ay agad na inasistehan ng kanilang mga tauhan.

Samantala, batay sa kanilang traffic monitoring naitala ang heavy traffic sa EDSA northbound mula Guadalupe hanggang Megamall at EDSA southbound mula Dario Bridge hanggang Quezon City Academy (QCA) u-turn slot.

Habang lumuwag naman ang sitwasyon ng trapiko sa ibang bahagi ng EDSA bandang alas-otso ng gabi.

Nakatutok ang MMDA sa deployment ng nga traffic enforcers sa mga choke points at intersections sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Facebook Comments