Nararanasang COVID-19 surge sa bansa, posibleng tumagal pa nang ilang linggo

Ilang linggo pa ang itatagal ng kasalukuyang COVID-19 surge sa bansa.

Ito ang inihayag ni Professor Ranjit Rye ng OCTA Research Group matapos ang dalawang magkasunod na araw na higit 12,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19.

Ayon kay Rye, bagama’t nagsisimula nang bumaba ang kaso sa ilang bahagi ng Metro Manila ay tumataas pa rin naman ang kaso sa ibang lungsod.


Kaugnay nito, pabor aniya ang grupo sa pagpapalawig pa ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) kung saan pagkatapos nito ay unti-unti ang gagawing pagluwag sa quarantine measures.

Napag-alaman na bumaba na ang kasong naiitala sa Pasay City, Malabon at Navotas City pero patuloy naman ang pagdami sa Maynila at Caloocan City.

Facebook Comments