Nararanasang kagutuman at kawalang trabaho, posibleng lumala sa oras muling ilagay ang bansa sa MECQ

Posibleng mas lumala ang nararanasang kagutuman at kawalang trabaho ng mga Pilipino oras na ilagay muli ang bansa sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ito ang naging pahayag ni Director-General ng National Economic and Development Authority(NEDA) at Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua kasunod ng pagpapatupad ng mas mahigpit na quarantine restrictions sa National Capital Region (NCR) at NCR Plus na kinabibilangan ng Rizal, Cavite, Laguna at Bulacan.

Paliwanag ni Chua, madadagdagan ng 58,000 ang kabuuang bilang ng mga Pilipino na nagugutom mula sa kasalukuyang bilang na 3.2 million habang 128,500 ang pwedeng mawalan muli ng trabaho.


Maaari rin aniyang umabot sa P2.1 billion ang malugi sa NCR at NCR Plus.

Ikinabahala rin ng NEDA ang naging resulta ng Social Weather Station (SWS) survery na 23% o halos 3.2 milyong indibidwal ang nakakaranas ng gutom sa NCR dahil sa ipinapatupad na General Community Quarantine (GCQ).

Facebook Comments