Malaki umano ang naitutulong ng pagkakaroon ng Localized thunderstorm ayon sa PAGASA sa kabila ng nararanasang mainit na panahon.
Sa Dagupan City na kadalasang nakakapagtala ng matataas na heat index kung saan kahapon, ika-26 ng Abril, naitala ang 44 degree Celsius sa lungsod.
Malaki din ang epekto ng naitatalang mga heat index sa lungsod dahil ang lungsod ay napapalibutan ng mga karagatan.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan sa PAGASA Dagupan, bagamat may malaking epekto o tulong ang pagkakaroon ng local thunderstorms o pag-ulan tuwing hapon at gabi, ay mayroon pa rin itong masamang epekto dahil nagkakaroon ito ng hazard sa kapaligiran gaya na lamang ng mga soil erosion sa mga matataas na lugar, tornado, baha, at pagbagsak ng mga puno.
Samantala, patuloy na nararanasan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang Easterlies na nagdudulot ng maalinsangang panahon. |ifmnews
Facebook Comments