Personal na ipinahayag ng ilang mga jeepney drivers sa Dagupan City ang kanilang saloobin kaugnay sa nararanasang mabigat na daloy ng trapiko sa lungsod partikular sa bahagi ng rutang Bonuan.
Aksaya raw umano sa langis at malaking kabawasan lalo na kapag nataong sobrang natatagalan ang pag-usad ng daloy ng trapiko. Matatandaan na epektibo nitong buwan ng Agosto ang halos dobleng pagtaas sa presyo ng langis at inaasahang tatagal hanggang sa susunod pang linggo.
Ayon sa ilang driver na nakapanayam ng IFM DAGUPAN, nasa karagdagang isang daan araw – araw umano ang kanilang nailalaan sa pang gasolina na dapat daw ay malaking dagdag na ito sa nakita nilang pera sa isang araw.
Sa kahabaan ng Bonuan, isa pang nakikitang dahilan ang nakaparadang mga pribadong sasakyan sa mga sidewalks dahilan na nahihirapang mas maayos na makaalis o umandar nang tuluyan ang mga susunod pang mga sasakyan, ito ay dahil mas pinapakitid ng mga ito ang kalsadahan dahil sa espasyong sana ay laan para sa mga bumabyahe o pumapasadang mga sasakyan.
Samantala, kaugnay pa rin sa presyo ng produktong petrolyo ngayon, hindi pa stable ang presyuhan dahilan na ilang kumpanya ng langis ay nagbabawas ng produksyon nito. |ifmnews
Facebook Comments