Patuloy na binabantayan ng Department of Energy (DOE) ang power sector ng bansa dahil pa rin sa banta ng El Niño o nararanasang init ng panahon.
Umabot na kasi sa“extremely high temperature”ang lagay ng panahon ngayon kung kaya lubos na naapektuhan ang operasyon ng mga pasilidad ng power plant sa bansa.
Ayon kay Energy secretary Raphael Lotilla, ang napakataas na temperatura o sobrang init ay malaking dahilan kung bakit mas tumataas pa ang demand sa paggamit ng kuryente ng publiko.
Aniya, hindi lahat ng gumaganang planta ay mayroong sapat na kapasidad para matugunan ang full average sa kumokonsumo nito.
Kasunod nito, nababahala naman ang DOE dahil sa pahiwatig at patuloy na pagnipis ng reserba ng kuryente at kakulangan nito.
Tiniyak naman ng ahensya ang paggamit ng ibang paraan, kabilang na ang hydroplant kahit nararanasan ang tagtuyot.