NARARANASANG PAG-ULAN, DULOT NG BAGYONG JENNY; PAGPAPALAOT AT PAGLIGO SA DAGAT SA DAGUPAN CITY, IPINAGBABAWAL EPEKTIBO NGAYONG ARAW

Ipinagbabawal ang pagpapalaot at pagligo sa mga dagat sa lungsod ng Dagupan epektibo ngayong araw dahilan ang nararanasang epekto ng Bagyong Jenny.
Bagamat hindi masyado ramdam ang epekto ng bagyo sa lungsod ay asahan sa mga dagat ang mataas na alon at malakas na pag hangin.
Wala namang nakataas na wind signal sa lalawigan ng Pangasinan ngunit nagdeklara na ang ilang mga munisipalidad sa probinsya ng suspension of classes upang maprotektahan ang mga estudyante sa mga maaaring maging epekto ng bagyo habang hindi pa nito nililisan ang Philippine Area of Responsibility o PAR.

Pinapayuhan ang lahat na umantabay sa Tropical Cyclone Bulletin ng bagyong Jenny at mga weather advisories kaugnay sa Hanging Habagat.
Alinsunod dito ay nauna nang nagsagawa ng ng Pre-Disaster Risk Assessment ang Pangasinan bilang paghahanda sa posibleng epekto ni Bagyong Jenny sa lalawigan, gayundin pinaalalahanan din ng awtoridad ang mga Pangasinense na maging alerto at handa ukol dito. |ifmnews
Facebook Comments