NARARANASANG PAG-ULAN SA PANGASINAN, MAAARING TUMAGAL HANGGANG SA ARAW NG MIYERKULES NGAYONG LINGGO

Maaari pa umanong tumagal ang pag-ulang nararanasan hanggang sa araw ng Miyerkules ngayong linggo dulot pa rin ng Hanging Habagat, ayon sa Pangasinan Disaster Risk Reduction Management Office.
Possible ring magpatuloy pa ito umano dahil nakikitaan ang isang Low Pressure Area o LPA ng may malaking tsansang maging bagyo kaya naman ay asahan pa ang patuloy na pagbuhos ng ulan.
Inalerto naman ng otoridad ang publiko, lalong lalo na ang mga Pangasinenseng nasa danger zones o mga bahagi sa lalawigan na flood prone at landslide prone areas na maging alerto at siguraduhin ang pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang lokal na pamahalaan ng kanilang bayan na humingi ng tulong kung maging apektado ng kalamidad dulot ng nararanasang tag-ulan.

Samantala, nakaantabay pa rin ang ahensya maging ang mga Local Disaster Risk Reduction Management Council ng iba’t-ibang bayan at lungsod sa Pangasinan sa posibleng mga saklolo at emergency response na kinakailangan ng mga residente.
Pinaalalahanan din ang mga ito na manatiling naka-update particular sa lagay ng panahon ngayon at maging handa sa mga hakbanging kinakailangan. |ifmnews
Facebook Comments