NARARANASANG PAGBAHA SADAGUPAN CITY, DULOT AY BANTA SA KALUSUGAN; PAMAMAHAGI NG GAMOT KONTRAWATER-BORNE DISEASES AT LEPTOSPIROSIS, NAGPAPATULOY

Nagpapatuloy ang pamamahagi ng mga gamot para sa mga Dagupenos kontra sa ilang sakit na maaaring idulot ng isang linggo nang nararanasang matinding pagbaha sa lungsod.
Isa ang sakit na leptospirosis sa posibleng makuha sa panahon ng pagbaha, dulot ito ng contaminated na tubig na kadalasan ay mula sa ihi ng hayop tulad ng daga na may leptospira. Maaaring makuha ang sakit na ito ng mga taong may sugat sa paa at nababad sa pagsuong sa kontaminado at maruming tubig baha.
Matatandaan na ang uri ng tubig baha sa lungsod ay nakikitang marumi at may masangsang na amoy umano.

Alinsunod dito, patuloy na namamahagi ang lokal na pamahalaan ng Dagupan katuwang ang City Health Office ng mga libreng gamot tulad ng Doxycycline na kontra Leptospirosis, Loratadine kontra allergy, Amoxicillin at Mefenamic Acid.
Pinapayuhan ang lahat na kung wala naming gagawin sa labas ay mas mainam ang manatili sa mga kabahayan at kung mangyaring may sugat at susuong sa baha, tiyaking may suot-suot na bota nang mas matiyak ang kaligtasan. |ifmnews
Facebook Comments