Nararanasang problema sa sektor ng agrikultura, isinisi ng grupo ng mga magsasaka sa kapalpakan ng gobyerno

“Buhay ang nakataya.”

Ito ang iginiit ng Young Farmers Challenge Club of the Philippines, Inc. sa gitna ng nararanasang problema sa sektor ng agrikultura.

Ayon sa presidente ng grupo na si Elvin Laceda, hindi lamang ang kabuhayan kundi maging ang buhay ng mga magsasaka ang nakataya sa kapalpakan ng mga opisyal ng gobyerno sa pagtugon sa kanilang mga problema.


Inihalimbawa niya rito ang insidente ng pagpapakamatay ng limang magsasaka sa Bayambang, Pangasinan na nalugi at nabaon sa milyun-milyong utang matapos na sirain ng army worm o harabas ang kanilang pananim.

Binatikos din ni Laceda ang pag-aangkat ng gobyerno ng sibuyas na isinabay pa sa peak harvest gayundin ang hindi napapanagot na mga smuggler na pumapatay rin sa kabuhayan ng mga local farmer.

Kaugnay nito, kinalampag ng grupo si Pangulong Bongbong Marcos na magtalaga na ng bagong kalihim ng Department of Agriculture para mas matutukan ang mga problema sa naturang sektor.

Facebook Comments