Nararanasang ‘smog’ sa Metro Manila, posibleng mawala na dahil sa mga pag-ulan — PAGASA

Posible umanong mawala na ang smog na nararanasan ng publiko sa Metro Manila.

Ayon kay Weather Services Chief, Weather Division ng Department of Science and Technology-Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA) Juanito Galang, ito’y dahil sa mga pag-ulan at lakas ng hangin na tuluyang nagpahina sa smog sa Metro Manila simula kahapon.

Batay sa obserbasyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), walang kinalaman ang Taal vog sa nangyaring smog sa Metro Manila.


Una nang nilinaw ng ahensya na ang smog sa Metro Manila ay galing sa emission ng mga sasakyan at maliit na bahagi lang ang volcanic smog o vog mula sa Bulkang Taal.

Sa huli, binigyang diin rin ni Galang na maraming factors para maiwasan ang smog na na ating naranasan, ito’y kung mababawasan ang polusyon mula sa mga sasakyan sa bansa.

Facebook Comments