Nagbabala si Agriculture Secretary Emmanuel Piñol sa posibleng pagkakaroon ng isang water crisis sa Northern at Central Luzon kung hindi matutugunan ang mas importanteng dahilan ng pagkatuyo ng mga ilog at mga sapa roon.
Aniya, maliban sa kakulangan nang naipatayong mga dam, nakita ng kalihim ang labis na pagka kalbo ng mga kabundukan.
Ito ang naging obserbasyon ni Piñol nang makita niya mula sa kaniyang mga ginawang aerial inspection sa Cagayan Province.
Dapat din aniya na magkaroon ng isang multi-agency na pagkilos upang makapagsagawa ng deforestation projects na pangunginahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at mga Local Government Units (LGUs).
Dapat na rin aniyang makapagsagawa na ng dredging sa mga major river systems at konstruksyon ng mas maraming dams para sa pang irigasyon na gamit.
Ani Piñol, kapag hindi ito naaksyunan sa kagyat ay maaring maging banta sa agriculture sector sa hinaharap.