Kinakalampag ngayon ang mga magulang sa nararapat at wastong paggabay sa mga anak upang maiwasan ang pagkakasangkot ng mga bata at kabataan sa anumang uri ng insidente, o mga di kanais-nais na pangyayari.
Sa panayam kay Dagupan City Police Station Officer-in-Charge PLtCol. Lawrence Keith Calub, sa mga naiuulat na mga insidenteng nasasangkot ang mga anak, binigyang-diin nito ang importansya ng gampanin ng mga magulang.
Kasunod na rin ito ng nauna nang naibalitang isang Grade 9 student na nahulihan ng mahigit isang daang gramo ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng abot P700, 000 sa lungsod.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ang Child in Conflict with the Law o CICL ng City Social Welfare and Development Office sa pag-usad ng kaso ng menor de edad.
Samantala, nanindigan din ni Calub sa mas pinaigting na pakikipaglaban kontra ilegal na droga sa Dagupan City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









