Manila, Philippines – Pinasalamatan ni PBA PL Rep. Jericho Nograles si outgoing CHED Chairperson Patricia Licuanan matapos niya ianunsyo ngayong araw na siya’y magbibitiw na sa pwesto.
Si Nograles ang nagbulgar ng mga umano’y hindi otorisado at walong sunud-sunod na biyahe na ginawa ni Licuanan habang CHED Chair.
Ayon kay Nograles, tama lamang ang hakbang ni Licuanan na mag-resign na sa pwesto at hindi na hintayin pa ang pagtatapos ng termino nito sa July 2018.
Sa kabila ng mga ibinunyag noong una ni Nograles laban kay Licuanan, nagpasalamat naman ang kongresista sa ginawang serbisyo ng CHED Chair.
Kahit umalis na sa pwesto si Licuanan, patuloy pa rin umano silang mangangalampag para sa K to 12 Teacher-Scholars na biktima ng pagiging inefficient ng CHED.