NARARAPAT | Pagkakaibigan, tangi at tamang desisyon para sa Pilipinas at China – Chinese President Xi Jinping

Manila, Philippines – Sa kabila ng pagiging traditional ally ng Estados Unidos ang bansa, tama at nararapat lamang na maging magkaibigan ang Pilipinas at China.

Ito ang sinabi ni Chinese President Xi Jinping sa kaniyang pagdating sa Pilipinas para sa dalawang araw na state visit.

Paliwanag ni Xi, dapat lamang na maging magkaibigan at magandang magkapitbahay ang dalawang bansa lalo na sa panahong maraming pagbabago sa mundo.


Bukod pa rito, sinabi pa ni Xi na mataas ang pag-asam ng mga Pilipino at mga Chinese sa mas malakas na ugnayan at kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Paniniyak pa ni Xi na nakahanda ang China na magtrabaho kasama ang Pilipinas para mas lalong umigting pa ang samahan ng dalawang bansa.

Simula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte mas naging masigla ang ugnayan ng Pilipinas at China. Bagay na pinasalamatan din ni Xi.

Si Xi ang kauna-unahang Chinese leader na dumalaw sa bansa sa nakaraang labing-tatlong taon.

Facebook Comments