NARCO-GENERAL? | Dating opisyal ng PNP at misis nito, kinasuhan sa Ombudsman

Manila, Philippines – Pormal nang sinampahan ng NBI ng patong-patong na kaso sa Office of the Ombudsman ang dating PNP official at ang asawa nito dahil sa hindi maipaliwanag na yaman.

Kasong graft, falsification of public documents at paglabag sa code of conduct at ethical standards ang mga isinampang kaso laban kay dating PNP Deputy General Marcelo Garbo Jr. at sa misis na si Rosalinda Garbo.

Batay sa imbestigasyon ng NBI, hindi nagtutugma ang mga ari-arian ng mag asawang Garbo kung ihahambing sa idineklara nila sa kanikang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth.


Magugunita na si Garbo ay tinukoy noon ni Pangulong Duterte na kabilang sa tinatawag na narco-generals.

Facebook Comments