Nakatakdang isumite ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Commission on Elections ang updated na listahan ng mga politikong sangkot umano sa ilegal na droga.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonatahan Malaya, isusumite nila ito pagkatapos ng filling ng Certificate of Candidacy o COC.
Aniya, hinihintay pa nila ang intelligence report mula sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA para maisapinal ang listahan.
Sabi ni Malaya, layon nitong mahimok ang Comelec na i-disqualify ang mga kandidatong sangkot umano sa droga.
Gayunman, aminado ang DILG na hindi agad madi-disqualify ang kandidato nasa narco-list dahil kailangang may pormal na reklamo silang kinahaharap.
Kailangan rin ng mga ito na maisalang sa conviction at bigyan ng panahon na makapaghain ng apela sa Korte Suprema.