Manila, Philippines – Hinimok ng Malacañang ang mga botante na huwag suportahan ang mga kandidato na sangkot sa iligal na droga sa nalalapit na May 14 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Sinabi Presidential Spokesperson Harry Roque na inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Drug Enforcement Authority (PDEA) na ilabas ang listahan ng mga opisyal ng barangay na dawit sa droga upang makonsidera ng mga botante ang narco-list sa kanilang pagpili ng ibobotong kandidato.
Unang iginiit ng palasyo na tama ang paglalantad sa mga kandidato na may koneksyon sa kalakalan sa ipinagbabawal na gamot.
Matatandaan na sinabi ng PDEA na mayroong 211 barangay officials na nasa listahan at ilalabas nila ito sa mga susunod na araw.
Facebook Comments