NARCO LIST | Mga nanalong barangay officials na kabilang sa narco list, posibleng madagdagan pa

43

Manila, Philippines – Posibleng madagdagan pa ang 60 nanalong barangay officials na kasama narso list.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) General Aaron Aquino, hinihintay pa nila ang buong listahan ng mga nanalo mula region 5 at Caraga region.

Batay sa tala ng PDEA, 60 mula sa 207 barangay officials na nasa narco list ang nanalo nitong elections.

Sinabi naman ni National Capital Region Police Office Director Camilo Cascolan, humahanap na sila ng saksi at ebidensya laban sa mga nanalong barangay officials na nasa narco list para masampahan ng kaso.

Naniniwala naman si Interior Undersecretary Martin Diño, malinaw ang paggalaw ng drug money sa pagkapanalo ng ilang kandidato.

Facebook Comments