Manila, Philippines – Labing apat na buwan na sumailalim sa berepikasyon ang inilabas na narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ilang ahensya ng gobyerno ang nagtulong-tulong sa ginawang beripikasyon para sa nasabing listahan.
Produkto rin anila ang naturang listahan ng workshop ng Philippine National Police (PNP), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Tiniyak naman ng PDEA na patuloy na sumasailalim sa berepikasyon ang iba pang mga pangalan na nasa narco list.
Habang ang iba naman ay hindi na pulitiko at mga sibilyan na lamang dahil wala na sila sa pwesto at hindi na tumatakbo sa anumang government position.