NARCO-LIST | PDEA, ihahayag ang mga barangay opisyal na sangkot sa ilegal na droga

Manila, Philippines – Ibinulgar ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 207 barangay opisyal na sangkot sa ilegal na droga kung saan 90 rito ay pawang mga barangay captain at 117 ay mga barangay kagawad.

Sa ginanap na Press con sa tanggapan ng PDEA sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino karamihan na mga barangay opisyal na sangkot sa ilegal na droga ay nasa region 5 na umaabot sa 70, 34 sa Cordillera Administrative Region (CAR) at 13 naman sa ARMM at 5 sa National Capital Region (NCR).

Paliwanag ni Aquino na ang mga listahan ay vina-validate ng apat na law enforcement intelligence agencies sa bansa.


Giit ng opisyal magsasampa ng kaso ang PDEA laban sa mga sangkot na barangay opisyal sa oras na makumpleto na nila ang mga listahan dahil nagpapatuloy pa ang kanilang isinagawang case build up sa kaso para lalong tumibay ang kanilang isasampang kaso at hindi mababasura lamang ng korte.

Dagdag pa ni Aquino na maliban sa 207 na mga barangay. opisyal mayroong 274 na barangay opisyal ang kanilang vina-validated at kapag nakumpleto na nila ang mga listahan saka nila ihahayag ang mga pangalan ng barangay opisyal upang makapamili ang publiko kung iboboto nila ang mga barangay opisyal na sangkot sa ilegal sa droga

Facebook Comments