Manila, Philippines – Inihahanda na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang listahan ng mga pulitikong sangkot sa ilegal na droga.
Ito ay kasabay ng paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) ng mga kandidatong tatakbo sa 2019 midterm elections.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino – tapos na nilang gawin ang re-evaluation at sa susunod na linggo ay gagawin na nila ang adjudication process.
Sa huling datos ng PDEA, nasa 85 na opisyal ang kasalukuyang nasa narco-list.
Sa orihinal na listahan, apat na ang naaresto habang apat na rin ang namatay.
Mahigpit ding babantayan ng ahensya ang drug money.
Sinabi naman ni Dangerous Drugs Board (DDB) Chairperson Catalino Cuy – mahalagang mailabas ang narcolist bago ang eleksyon.
Nanawagan ang PDEA sa publiko na huwag iboto ang mga pulitikong dawit sa ilegal na droga
Isasapubliko ng PDEA ang narco list sa oras na bigyan sila ng pahintulot ni Pangulong Rodrigo Duterte.