Manila, Philippines – Suportado ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na isapubliko ang narco list bago ang 2019 midterm election para malaman ng publiko kung sinu-sino ang dapat iboto at hindi.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, kumpiyansa siya na sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga ang nasa narco list dahil apat na ahensya ang nagtulong tulong sa pag-validate sa listahan.
Umapela naman ang kalihim sa mga partido na huwag ng ikampaniya ang mga kandidatong pasok sa narco list.
Facebook Comments