NAREKOBER | 6.8 milyong halaga ng shabu nakumpiska ng PNP Drug Enforcement Group sa isang motel sa Malate Manila

Narekober ng mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group ang 3 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 6.8 milyong piso sa Malate Maynila kaninang alas 4 ng hapon.

Sa ulat ng PNP, isinagawa ng PDEG ang buy bust operation sa isang motel sa malate maynila.

Dahil dito arestado ang isang lalaki na kinilalang si Ryan Tomawis, 25 anyos.


Hindi na nakapalag sa mga otoridad si Tomawis nang agad na pasukin ng mga otoridad ang motel kung saan sana gagawin ang transaksyon.

Nakalagay sa malaking bag ang tatlong kilo ng shabu na nakabalot sa plastic.

Base sa ulat ng PDEG nagsisilbing courier si Tomawis ng isang drug syndicate.

Facebook Comments