
Sa pulong balitaan na ginanap sa Kampo Krame sinabi Highway Patrol Group Director PBGen. Hansel Marantan na peke ang plaka ng isa sa mga luxury cars ni Zaldy Co.
Matatandaan na may apat na sasakyan ang narekober sa ilalim ng ahensya nang magsagawa ng operasyon sa Taguig City.
Ayon kay Marantan, sa isinagawang micro-etching examination , nadiskubre na ang Ferrari ni Co ay nakarehistro sa ibang pangalan na may kapareho ring sasakyan.
Dahil dito , ay inaalam na ng otoridad ang kaugnayan ni Co sa nasabing may-ari ng plaka.
Samantala , sa ngayon meron pang 10 na mga sasakyan na may kaugnayan kay Co na pinaghahanap pa ng mga otoridad kung saan may natatanggap na rin ang HPG na lead kung nasaan ang mga ito.
Facebook Comments










