Narekober Na Ulo Ng Bihag Ng Abu Sayyaf Na Si Robert Hall, Nasa Maynila Na

9

MANILA – Kinumpirma ngayon ni PNP Crime Laboratory Director Chief Supt. Emmanuel Aranas na nasa Metro Manila na ang narekober na ulo nang hinihinalang Canadian National na si Robert Hall.Sinabi ni Aranas na napuntahan na ng kanyang mga tauhan kaninang madaling araw sa isang Mortuary sa Pasay City ang ulo ng biktima matapos itong dumating mula sa Airport galing sa Jolo para kumuha nang specimen upang maisailalim sa kaukulang pagsusuri o eksaminasyon.Maliban sa forensic examination, sinabi ni aranas na kailangan din itong isailalim sa DNA test upang makasiguro sa pagkakakilanlan ng biktima.Kaugnay nito… sa interview ng RMN kay AFP WESMINCOM Spokesperson Major Filemon Tan, ipinaliwanag niya na patuloy pang kinukumpirma ang narekober na ulo.Sina Hall at Ridsdel, kasama ang Norwegian na si Kjartan Sekkingstad at pinay na si Marites Flor ay dinukot ng Abu Sayyaf sa isang resort sa Samal Island noong September 21, 2015.Samantala, nagbanta naman si Canadian Prime Minister Justin Trudeau na tutugisin ang mga responsable sa pagkamatay ni Hall at ng isa pang Canadian na si John Ridsdel, kahit gaano pa katagal bago makamit ang hustisya.

Facebook Comments