Narekober na video ng militar na nagpupulong sina Isnilon Hapilon at Maute brothers sa planong pangugulo sa Marawi City, sinadyang ipakalat ng AFP

Manila, Philippines – Sinadya ng Armed Forces of the Philippines na maipakalat ang video kung saan mapapanood ang pagpupulong nina Isnilon Hapilon at magkapatid na Omar at Abdullah Maute sa Marawi City.

Ito ay makaraang marekober ito ng tropa sa pinagtaguan ng Maute terror group at at Abu Sayyaf Group sa Marawi City habang nagsasagawa ng clearing operation.

Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla nagpapatunay ang video na ito sa kanilang mga pahayag noon na matagal pinagplanuhan ng Maute group at ASG ang panggugulo.


Naniniwala naman si Padilla na malaki ang naitulong ng narekober na video ng militar mula sa teroristang grupo na Maute na mapigilan ang mga plano pang panggulo ng mga terorista.

Mas malaki raw kasi ang masisira sa Marawi kung hindi ito naagapan ng militar.

DZXL558, Rea Mamogay

Facebook Comments