Narerekober na floating cocaine ng PNP umabot na sa 1.1 Bilyong piso ang halaga

Umabot na sa mahigit 1.1 bilyong pisong halaga ng floating cocaine ang naitatala ng  Philippine National Police.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col Bernard Banac ang halaga ng mga narekober na cocaine ay  simula buwan ng prebrero hanggang ngayong buwan ng abril.

Pinakahuling narekober na floating cocaine ay kamakalawa sa Burgos Surigao Del Norte na nasa 40 bloke at may markings na buggati.


Sinabi pa ni Banac ang halagang mahigit 1.1 Bilyong piso ay may kabuuang gross weight na mahigit isang libong kilo.

Facebook Comments