NARINDE! | Honduran man, nagkunwaring patay na para tigilan nang hingan ng pera ng kanyang asawa

Isang 27-year old Honduran man na nagtatrabaho sa abroad ang nagkunwaring patay na para raw matigil na ang kanyang misis sa panghihingi sa kanya ng pera!

Kwento ni Danny Gonzales – laging nagrereklamo ang asawa niya dahil maliit lang ang naipapadala niyang pera.

Halos anim na cellphone na nga rin aniya ang naipadala niya sa kanyang asawa dahil lagi raw nitong sinasabi na nawala.


Dahil rinding-rinde na, naisipan niya na lang na magkunwaring patay.

Para mapaniwala, nagpadala siya ng mga litrato sa kanyang Honduran wife kung saan siya nakikitang nakahiga at may bulak sa ilong!

Sa isang mensahe, pinalabas niya na namatay siya sa sakit na cancer at asthma.

Facebook Comments