Narra Flitches, Narekober sa Benito Soliven!

Benito Soliven, Isabela- Narekober ng PNP Benito Soliven ang ilang mga kahoy na Narra sa Brgy. Villaluz Benito Soliven, Isabela dakong ala una kahapon Hunyo 3, 2018.

Batay sa Ibinahaging impormasyon ng PNP Benito Soliven sa RMN Cauayan, nakatanggap umano sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na mayroong naabandonang pira-pirasong kahoy na Narra sa naturang lugar.

Agad naman itong pinuntahan ng kapulisan at nakumpirma na ang mga naturang kahoy na may sukat na tinatayang nasa mahigit kumulang 150 Board Feet na naiwan ng hindi pa nakikilalang may-ari.


Samantala, dinala naman ang mga nasabing kahoy sa kustodiya ng kapulisan para sa kaukulang disposisyon habang inaalam pa kung sino ang nagmamay-ari sa naturang kahoy.

Facebook Comments