Narra Flitches, Nasamsam sa Isang Bahay!

*Benito Soliven, Isabela-* Nasa mahigit kumulang 500 boardfeet ng Narra flitches ang nasamsam ng mga otoridad sa isang bahay sa Brgy. Ara, Benito Soliven, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, pinaghahanap pa ng mga otoridad ang dalawang suspek na si Rodel Caalim, may-ari ng bahay, residente ng Brgy Villaluz, Benito Soliven at ang caretaker nito na si Jayson Castillo, 24 anyos, residente naman ng Brgy. Ara, Benito Soliven, Isabela.

Ito ay matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen ang himpilan ng PNP Benito Soliven kaugnay sa nakitang iligal na pinutol na Narra.


Sa pagresponde ng mga otoridad sa lugar ay natunugan ng dalawang suspek ang paglapit ng mga ito kaya’t nagawang tumakas sa hindi pa mabatid na direksyon.

Nakumpiska naman sa terrace ng bahay ni Rodel Caalim ang higit kumulang 500 boardfeet na Narra flitches at ito’y dinala sa Benito Soliven Police Station para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments