Nars patay sa road accident sa Kidapawan City sa North Cotabato

Masaklap ang sinapit ng isang nurse na nakatakda na sanang ikasal ng itoy mabangga ng Ten Wheeler Truck sa harap ng isang Mall sa Kidapawan City, sa lalawigan ng North Cotabato, nitong Linggo ng hapon.
Kinilala ang nasawing biktima na si Myrna King Veraguas, residente ng barangay Poblacion, sa bayan ng Matalam sa lalawigan ng North Cotabato.
Nasa gilid lamang ng national highway ang biktima kasama ang iba pang mga stander ng dumaan ang ten wheeler truck na nawalan ng preno at nahagip ang mga nag aabang sa gilid.
Nasawi ang biktima sa lakas ng pagkakahagip habang dalawang iba pa ang sugatan sa aksidente.
Sinubukan pang isalba ang biktima sa isang ospital subalit pumanaw rin.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments