Wednesday, January 21, 2026

Nartatez, itinanggi ang alegasyong itinatago ng pulisya ang mga impormasyon sa kinaroroonan ni Atong Ang; acting PNP chief, dismayado sa mga ulat na umano’y pagtulong ng mga pulis kay Ang

Itinanggi ni acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang mga alegasyong itinatago umano ng pulisya ang mga impormasyon patungkol sa kinaroonan ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.

Ito ay matapos ang mga pahayag na tinatago ito ng pulisya para mapakinabangan ang 10 milyong pisong reward.

Ayon kay Nartatez, walang basehan ang ganitong mga pahayag at hindi ito makakatulong sa manhunt laban kay Ang.

Samantala, dismayado rin si Nartatez sa mga ulat na umano’y may tumutulong na mga pulis sa nasabing akusado.

Iginiit nito na hindi kukunsintihin ng organisasyon ang anumang uri ng maling gawain sa kanilang hanay.

Samantala, tiniyak naman ni Nartatez sa publiko na sapat ang police resources na ibinigay para matunton si Ang.

Facebook Comments